Posted at 06:45 AM
Dahan dahang binuksan ang sobre at tinanggal sa pagkakatiklop ang isang malutong na papel mula sa kanyang kinahihimlayan. Madiin ang pagkakasulat ng mga titik. Ang tinta ay tila kumalat sa gawing kanan ng naninilaw na papel. Pilit na inalala ang mga magagandang pangyayari ng nakaraan na nilagumlagom ng panahon at pagkakaibigan. Mariing idinikit ang medyo lukot na piraso ng alaala bago ito sinimulang samyuin. *buntong hininga* C, Kamusta ka na? Mabuti naman ako. Ni minsan ay hindi ka nawaglit sa aking isipan. Laman ka pa rin ng bawat pangungusap na aking sinasambit. Nabanggit mo sa iyong liham na alam mo na ang masayang balita. Oo. Masaya naman ako sa mga pangyayari. Wala akong pinagsisisihan. Siya ang nagdudulot ng ngiti sa aking mga labi araw-araw. Walang panahon na hindi siya dumadaan sa aking isipan. Naaalala ko lahat ng payo mo sa akin noon. Ang mabuti ay para sa mabuti. Dapat pala ay matagal na akong nakinig sa iyo. Salamat, C. Hindi kita malilimutan. ~ #2 *buntong hininga* Kung alam mo lang ang aking nais ipahiwatig noon. Ang mabuti ay para sa mabuti... ================================================ This is an email I got from a friend. Try to visit his site. I assure you that you won't regret it. hahaha!
Darkwinter, Salamat sa pagbisita at pagsulat sa aking gbuk. Ako'y namangha sa sinulat mong tula. Magaling ang isip mo ay malikot at magala Salamat at nabusog ang iyong tiyan sa tuwa Buti na lang hindi ang utot ang bumuga. Ako'y dumapo at namasyal sa iyong lungga Makulimlim pero maganda ang iyong pahina Ngunit subalit sapagkat datapwat ako'y napatanga Kailangan ko palang bumili ng diksyunaryo sa mega O sige na nga, ako ay yayaon na at may pasok pa kami dito sa opisina Baka akoy makita ng amo kong hyena Masipa at baka ang trabaho ko'y mawala na. Regards, Batman_927 Rant and Rave




